INIHAYAG ni Department of Trade And Industry (DTI) Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo na hindi na kailangang ipakita ang vaccination cards sa mga mall na nasa ilalim ng Alert Level 2.
Ayon kay Castelo, dapat magluwag ang mga mall sa publiko dahil para sa lahat ang ibinabang kautusan ng IATF.
Gayunpaman, sinabi ng opisyal na nakadepende pa rin sa business owners kung may mga ipatutupad na mga alituntunin sa loob ng kanilang establisimyento kung tatanggap ang mga ito ng bakunado o hindi.
Samantala, iginiit ni Castelo na sundin pa rin ang minimum health protocols kahit na patuloy na bumababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa. DWIZ882