PANGASINAN-NAGSAGAWA ng inspeksiyon ang mga tauhan Department of Health (DOH) upang matiyak na may kumpletong bakuna at mayroong vaccination cards ang mga may-ari ng puwesto sa isang pampublikong palengke sa nasabing lalawigan.
Pinangunahan ang inspeksiyon ni DOH-Ilocos Region Licensing Officer Charito Buado kasama ang Malasique Rural Health Unit ang inspeksiyon sa Malasique Public Market sa Malasique, Pangasinan.
Naging matagumpay naman ang isinagawang inspeksyon dahil karamihan sa mga tindero sa palengke at mayroon at kumpleto na ang bakuna.
Gayunpaman, para sa iilan na kulang pa ang booster shots ay isinabay na rin ng DOH ang pagbibigay o pagtuturok sa kanila at sa mga consumer na hindi pa nabakunahan nito.
Ang pang-apat at pinal na national vaccination day ay isinagawa mula Marso 10 hanggang 12 na nakatuon sa second dose at booster shots. PAUL ROLDAN