MINDANAO-KASUNOD ng pinaigting na kampanya laban sa COVID-19, nagsagawa ng Special Vaccination Day sa Bangsamoro Region ang Department of Health (DOH) sa mga nakatatanda at mga kabataan.
Ayon sa DOH, ang mga nabakunahan ay binigyan ng gift packs bilang insentibo na programa ng BARMM.
Ani Health Officer-in Charge Maria Rosario Vergeire, sa pamamagitan ng naturang pagsisikap ay ibinibigay ng DOH ang regalo ng kaligtasan at seguridad sa mga mahal sa buhay- lalo na ang senior citizens , bata at mga immunocompromised.
“Let us all be one spirit for the protection of Filipino nation,so thaht we can finally live safe and comforting lives,” diin ni Vergeire.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi rin ni Vergeire na nag-courtesy call ito sa BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim.
“We will need your support to provide vaccines to the different settings in the region-our schools,markets,offices,and the community,” anito.
Sa datos ng DOH, ipinakikita na 1,584,124 o 51.05 percent ng target populatoon sa BARMM ang ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19 hanggang Hulyo 21.
Samantala,163,308 o 5.26 percent ng target population ang nakatanggap.
Sa buong bansa, kabuuang 71,439,759 o 91.47 percent ng target population ang ganap nang nabakunaahan,15,797,385 o 20.23 percdent ang nakatanggap ng kaanilang booster shots,habang 1,146,735 o 1.47 percent ang nakatanggap ng second booster shots. PAUL ROLDAN