VAX ROLLOUT SA MGA PROBINSIYA NG PNP ARANGKADA NA

KINUMPIRMA ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration at Admin Support to COVID Operations Task Force (ASCOTF) Commander, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na inumpisahan na sa mga island provinces ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga pulis.

Ito ay kasunod ng alokasyon ng 200,000 doses AstraZeneca vaccines mula sa Department of Health (DOH) para naman sa mga pulis na nasa probinsya.

” Mga Regional Medical and Dental Units ng Health Service ang in close coordination with DOH in the regions para sa administration ng 200,000 doses na ito,” ayon kay Vera Cruz.

Batay sa datos ng PNP Health Service nasa 79,194 0 43.59% na sa kanilang mga personnel sa mga Police Regional Offices (PRO) ang fully vaccinated ng Covid-19 vaccine.

Habang nasa 82,779 o 45.56% na ang nakatanggap ng first dose at nasa 17,168 o 9.45% sa mga personnel ang ayaw pa rin magpabakuna.

Sa Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) kung saan matatagpuan ang mga tinaguriang conflict areas nasa 3,961 personnel o 47.54% na ang nabakunahan ng Covid-19 vaccine.

Gayunpaman, tiwala ang pamunuan ng PNP na makukumbinsi rin ang mga ito na magpabakuna na rin para sa kanilang proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.

Samantala, ipinauubaya naman ng headquarters sa Camp Crame sa mga Regional Medical and Dental Units ng mga Police Regional Offices ang pagtukoy sa mga lugar na mabigyan ng vaccine allocation.

” Take charge na ang mga RDMUs sa mga island provinces na sakop ng PRO nila. In case may kulang, the HS will support in case may excess pa sa allocation ng NHQ,” dagdag pa ni Vera Cruz. EUNICE CELARIO

86 thoughts on “VAX ROLLOUT SA MGA PROBINSIYA NG PNP ARANGKADA NA”

  1. 364302 800331Safest messages, or a toasts. are typically launched at 1 point during the wedding but are likely to just be hilarious, humorous to unusual as nicely. finest man jokes 366499

Comments are closed.