INAPRUBAHAN na ng Inter Agency Task Force (IATF) ang pagtanggap o pagkilala sa National Covid 19 vaccination certificate ng gobyerno ng Bulgaria, Iran at Panama.
Ito ay para sa arrival protocols gayundin para sa interzonal na paggalaw sa ating bansa ng mga biyaherong magmumula sa mga naturang lugar.
Ayon sa Malacanang, ang tatlong nabanggit ay karagdagan sa listahan ng mga bansa, teritoryo o hurisdiksyon na ang vaccination certificate o katibayang bakunado na ay aprubado na ng IATF kaya kinikilala na ito sa bansang Pilipinas.
Kasabay nito, inaatasan ang Bureau of Quarantine, Department of Transportation One Stop shop at ang Bureau of Immigration na kilalanin o tanggapin ang Covid 19 vaccine certificate na aprubado ng IATF. BETH C