VBank inilunsad ni Manong Chavit sa QC

PORMAL na inilunsad  ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang digital platform na siguradong makapagpapabago ng landscape ng online financial transactions sa bansa.

Pinangunahan ni Manong Chavit ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, Disyembre 15, sa Quezon City  sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez Jr. Avenue.

Kasama rin ni Manong Chavit si veteran comedienne Ai Ai delas Alas.

Ang VBank digital bank ay isang digital banking platform na secure at siguradong makapagpapadali sa mga transaksiyon online para sa mga Pilipino tungo sa pagiging financial inclusive ng bansa.

Sa mga gagamit ng VBank, makapagbubukas na sila ng bank account kahit app lang ang gamit at hindi na kailangang pumila pa at magpasa ng maraming dokumento, at maaaring makapagpadala ng pera sa lahat ng bangko at digital wallets.

Maaari rin itong gamitin sa pagbabayad ng bills at kahit bumili ng mobile loads.

May lampas 6,000 cash-in outlets nationwide din ang VBank kasama na ang Tambunting Pawnshops, Puregold at Alfamart kaya mas madali ang transaksiyon kahit pa sa malalayong lugar.

“Hindi lamang ito banking, ito ay inilunsad ko para mabigyan ang bawat Pilipino ng kakayahan na makasama sa pagpapalago ng ekonomiya sa bansa,” sabi ni Manong Chavit na Number 58 sa Senate ballot.

“Gagawing posible ng VBank ang makapagbigay ng mabilis at madaling financial services kahit nasaan ka man,” dagdag niya.

Inanunsiyo rin ng senatorial aspirant ang “Manong Chavit’s 58 Days Milyun-milyong Papremyo” pa-raffle  na layong maipakalat pa ang mga magagandang features ng VBank.

Nasa 58 winners ang mag-uuwi ng P5,800 kada isa habang isang suwerteng winner naman ang makapag-uuwi ng P58,000 araw-araw at isang grand prize na P580,000 ang naghihintay para sa lucky user ng VBank sa 58th day.

Para sumali, i-download lang ang VBank app, gumawa ng account at sundan ang Facebook page ni Manong Chavit para sa mga updates.