ISANG vote counting machine (VCM) na ginamit nitong nakalipas na eleksiyon ang nadamay sa naganap na panibagong pagsabog sa eskuwelahan sa Zamboanga del Sur nitong Miyerkoles ng gabi.
Sa ulat ng militar at pulisya, isinagawa ang pagpapasabog sa isang silid-aralan sa San Pablo Central Elementary School kung saan nakatago ang walong VCMs at iba pang paraphernalia na ginamit noong May 13 election.
Ayon kay Police Maj. Helen Galvez, tagapagsalita ng Police Regional Office 9, matapos ang pagsabog ay nagkaroon ng sunog dahilan para matupok ang isa sa mga naka imbak na VCM.
Subalit wala naman umanong dapat na ikabahala dahil walang epekto ito sa naganap na botohan dahil ang mga VCM at gamit na nasa silid-aralan ay pawang depektibo at hindi gumana noong nakaraang eleksiyon.
Agad din namang naapula ang sunog makalipas ang 10 minuto. VERLIN RUIZ
Comments are closed.