VCM SINAKSAK NG LASING

VCM

NORTHERM SAMAR – ISANG lalaki ang nalasing at sinaksak ang isang vote counting machine (VCM) sa Brgy Osang, Catubig.

Nakilala ang suspek na si Efren Rosco, residente ng naturang lugar.

Ayon kay Pol. Maj. Rio Tan, hepe ng Catubig Police Station, na pabalik na ang mga electoral member sa Poblacion Catubig dala ang VCM nang bigla na lang itong saksakin ng isang lasing na suspek na kanilang nakasalubong.

Napag-alaman na ang naturang VCM ay isa sa mga nag-malfunction sa kasagsagan ng eleksiyon.

Sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ang suspek na agad na nakatakas. GELO BAIÑO

Comments are closed.