(ni CT SARIGUMBA)
BURGER ang isa sa kinahihiligan ng marami sa atin. Masarap nga naman ito at napakahirap na hindian lalo na kapag nalalanghap mo na ang sarap nito. Kapag sinamahan mo pa ito ng fries at softdrinks, talaga namang lalo kang gugutumin. Hindi mo na ito patatagalin pa sa lamesa at kaagad na susunggaban. Sa sarap nito, sumasarap din ang ating pakiramdam.
Lahat nga naman tayo ay nahihilig sa burger. Pero kung sa restaurant o fast food tayo laging kakain ng naturang pagkain, hindi natin masisiguro ang kaligtasan natin at ng ating pamilya. Una ay dahil sa hindi mabuti sa katawan kung dadalasan ang pagkain ng burger. Pangalawa, kung sa labas mo pa ito binili, hindi mo rin sigurado kung fresh ba at healthy ang mga ingredient na kanilang ginagamit sa paggawa nito.
Kaya naman, kaysa ang um-order o magpa-deliver ng burger, bakit hindi subukang gumawa ng bersiyon nito na ang mga ingredient ay gulay. Gaya na lang ng vegetarian burger. Sa sarap nito, siguradong kahihiligan ito ng iyong pamilya.
Kagaya ng regular na burger ay marami ring bersiyon ang vegetarian burger. Puwede mong ipampalit sa karne o patty ang tofu, mushroom, pump-kins, puso ng saging at marami pang iba. O kaya naman, gaya ng gagawin natin ngayon na itlog ang gagamitin sa pagluluto.
At sa mga nagnanais na subukan ang Vegetarian Burger, ang mga sangkap na kakailanganin sa pagagawa nito ay ang burger buns (depende sa rami ng nais na lutuin), itlog (depende rin sa kung ilan ang gagawing burger), olive oil, avocado, cheese, kamatis, sibuyas, dried basil leaves, chili flakes para magkaroon ng kaunting anghang, cucumber at lettuce. Puwede rin namang isama ang kahit na anong gulay na paborito ninyo at ng inyong buong pami-lya.
Ang kagandahan lang sa paggawa ng burger, puwede mong ilagay ang mga sangkap na kinahihiligan ng inyong buong pamilya nang mas lalo itong sumarap.
Paraan ng pagluluto:
Ihanda ang lahat ng mga kakailanganing sangkap. Mas mapadadali ang pagluluto kung nakahanda na sa lamesa ang lahat ng mga gagamiting sangkap.
Kapag naihanda na ang lahat ng mga kakailanganin sa pagluluto ng vegetarian burger, ang dapat lang gawin ay ang pagsasalang ng lutuan. Lagyan ito ng olive oil. Kapag uminit na ay ilagay na ang burger buns. Lutuin ang magkabilang side ng burger buns sa loob ng isang minuto o hanggang sa bahagyang maging brown ang magkabilang side nito. Pagkatapos ay tanggalin na ang buns at ilagay na muna sa isang lalagyan.
Ang susunod namang hakbang ay ang pagluluo ng itlog. Puwedeng sunny side up o scramble ang pagkakaluto. Kung mas gusto ninyo ang scram-bled egg, batihin ang itlog at timplahan ito ng kaunting asin, chili flakes at paminta. Puwede rin itong laghan ng basil leaves. Kung ang gusto naman ng pamilya ay sunny side up, habang niluluto ito ay lagyan din ng asin, paminta, chili flakes at basil leaves.
Kapag naluto na ang itlog, ilagay na muna ito sa isang lalagyan.
Ang susunod na hakbang ay ang pag-a-assemble ng burger. Sa pag-a-assemble, ang una lang kailangang gawin ay kunin ang buns at lagyan ito ng lettuce. Sa ibabaw ng lettuce ay puwede nang isama ang iba pang sangkap gaya ng kamatis, avocado slices, cheese, sibuyas, cucumber at itlog. Pagkata-pos ay ilagay na ang bun at ready na ang inyong Vegetarian Burger.
Hindi ba’t simpleng-simple lang itong gawin?
Kahit na nasa bahay lang kayo at nagmamadali, makapagluluto pa rin kayo ng Vegetarian Burgers. Hindi lamang ito swak pang meryenda, mainam din itong kahiligan sa agahan man, tanghalian, hapunan o pambaon ng mga tsikiting at ni Mister.
Kaya’t kung mahilig sa burger ang iyong pamilya, subukan na ang Vegetarian burger. (photos mula sa healthstartsinthekitchen.com, blondelish.com, bbcgoodfood.com)
Comments are closed.