SI House Speaker Lord Allan Velasco pa rin ang representante ng Marinduque.
Ipinroklama ng Marinduque Provincial Board of Canvassers si Velasco bilang panalo sa congressional race matapos makuha ang lahat ng election returns, araw ng Martes (Mayo 10).
Ito na ang ikatlong sunod na termino ni Velasco sa naturang probinsya.
Nakakuha si Velasco ng 100,794 votes.
Na-reelect din ang mga magulang ng House Speaker na sina retired Supreme Court Justice Presbitero Velasco Jr. bilang gobernador at Lorna Quinto Velasco bilang alkalde ng Torrijos.