NUEVA ECIJA – IKINAGALAK ng mga magulang ni Mary Jane Veloso, ang Pinay na nakakulong sa Indonesia sa kasong drug smuggling, ang guilty verdict sa magkaparehang recruiter ng kanilang anak.
Batay sa hatol ng Nueva Ecija court, guilty si Maria Cristina Sergio at karelasyon nito na si Julius Lacanilao sa kasong large-scale illegal recruitment kung saan may iba pang kaso na kinasangkutan ng tatlo pang babae.
Ayon kay Judge Anarica Castillo-Reyes, sinentensiyan ang dalawa ng life imprisonment at inutusan na magmulta ng hanggang P2 million.
Umaasa naman si Cesar at Celia Veloso na makatutulong ang guilty verdict kina Sergio at Lacanilao sa kaso ng kanilang anak na si Mary Jane. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.