Papayagan ng Bureau of Corrections si Mary Jane na makasama ang kanyang pamilya sa araw ng Pasko habang nakapiit Correctional Institution for Women sa lungsod ng Mandaluyong.
Ayon kay Bureau of Correction Director General Gregorio Pio Catapang Jr., maaaring bumisita ang pamilya ni Veloso sa Pasko para magkakasama ang mga ito.
Naka-quarantine si Veloso mula nang ito ay dumating at pagkatapos ng limang araw ay maaari na itong tumanggap ng bisita.
Ang limang araw na ito ay mandatoryo sa lahat ng Persons Deprived of Liberty habang isasailalim rin ito sa kaukulang medical and physical examination.
EQ