UULITIN ko mga kapatid/kasama sa media, ngayon na ang panahon para kumilos at unahin ang kapakanan ng National Press Club (NPC).
Nasa kamay n’yo ang pagbabago sa ating minamahal na NPC; itiwala po n’yo ang inyong boto sa Mayo 3 (advance voting) at Mayo 5, 2024, at hikayatin ang iba pa, na iboto numero uno sa balota, ATTY. FERDIE TOPACIO para NPC Director at JOEY VENANCIO para Presidente.
Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa?
o0o
DEAR media colleagues:
MINAMAHAL na mga kapatid sa National Press Club of the Philippines (NPC). We want to share to you all our heartfelt appeal.
Alam namin, kabilang kayo sa mga lalaki at binibining lubos ang pagnanais na magsama-sama, upang lumikha ng pagbabago, kaya ang aming pakiusap na maipagkaloob ang inyong pagtitiwala.
Your precious votes matter. With your votes, we can seize the opportunity to make everyone represented.
We have the real passion to serve you; give us the chance to truly support one another and make NPC a club that genuinely cares.
Samahan nyo po kami; rally behind us, collaborate with us to lead NPC with integrity and transparency. Kikilos kami para sa inyong interes, ipaglalaban namin ang inyong hinaing, aaksiyonan namin ang mga nais ninyong pagbabago.
Uunahin namin ang kapakanan ng NPC; our actions will be aligned with your aspirations; together, we can create a new NPC that will make your voices heard.
Vote for us: maraming maraming salamat po!
Joey G. Venancio
Atty. Ferdie Topacio
o0o
Minamahal kong kapatid sa NPC:
Sa darating na eleksiyon sa Mayo 5, tayo po ay maghahalal ng mga bagong opisyal ng National Press Club (NPC), ako ngayon ay, humaharap sa inyo na isang kandidatong independyente para sa posisyong Direktor.
Sa mga kaibigan at nakakikila sa akin, maraming taon na rin naman pong masigasig na tagapagtaguyod ang inyong lingkod ng mga programa at adbokasiya ng ating samahan.
Masasabing batikan na po ang inyong lingkod sa maraming pagkakataon bilang isang matagumpay na abogado at nagsilbing ring media information officers sa ilang naging tanyag na opisyal ng pamahalaan, kolumnista ng ilang pahayagan na di ko na po iisa-isahin pa ang mga pangalan ng dyaryo, at broadcaster ng DWIZ sa maraming taon, nagawa po natin nang maayos ang propesyon bilang abogado at mamamahayag.
Kung inyong pagtitiwalaan, nais kong ako ang inyong gawing tinig sa inyong nais na iparating sa ating pamunuan, at maging kamay at bisig sa pagkilos na mapangyari ang ating nais na kabutihan para sa lahat ng kasaping miyembro ng NPC.
Team player po ang inyong lingkod, at kung papalarin, magiging katuwang po ako sa pagbibigay ng bagong mukha ng paglilingkod sa mga kapatid sa media.
Samahan po n’yo ako, pagkat ang panalo ko bilang direktor ay titiyakin ko na inyo ring panalo tungo sa mas malayang pamamahayag at pagpapalakas at pagpapatibay sa integridad ng ating propesyon.
Lubos na umaasa sa inyong suporta at tiwala!
Magandang araw po, mabuhay tayong lahat.
Atty. Ferdinand ‘Ferdie’ Topacio
o0o
Kung ating pagtitiwalaan mga kapatid sa NPC, ito ang ilan sa mungkahing proyekto na nais ni Atty. Topacio na maipatupad:
1. Palakasin pa ang Scholarship Program para sa mga kasapi ng NPC at kanilang (mga) anak na nais makatapos ng kolehiyo. May mga scholarship grants ang Kongreso at Senado, maanong maihingi ng pondo para sa programang ito na malaki ang maitutulong para matamo ang magandang kinabukasan ng mga kasapi at ng kanilang pamilya.
2. Tayo sa media ay di-maiiwasang makaranas ng problema bunga ng mabigat na dalahin sa ating trabaho, kaya mungkahi niya — sana magtayo ng programa o seminar at counselong sesssion sa mga kasapi kaugnay ng mental health at stress management.
3. Sa tulong ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), magawa ng NPC ang malawakang kampanya sa press freedom, etika ng pamamahayag upang mapabuti ang kaalaman ng mga kasapi ng mga lokal na media organization sa mga siyudad at lalawigan.
4. Magkaroon ng Ethics Training and Workshops upang mas palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga kasapi ng NPC ukol sa tamang pag-uulat, paggalang sa privacy ng mga indibidwal, at iba pang respetong dapat na ibigay sa mga pribadong tao na nasasangkot sa insidente, kriminalidad at iba pang opensa sa batas.
5. Magkaroon ang NPC ng katuwang na proyekto sa iba-ibang sektor, tulad ng NGOs, mga ahensiya ng gobyerno upang makakuha ng magaang na tulong pinansiyal sa mga kasaping kinakapos sa buhay.
6. Marami tayong kasapi na nagpapakita ng katapatan at kasanayan bilang mamamahayag, kaya ang mungkahi niya na magkaloob ng media awards sa at pagkilala sa kanila. Magkaroon sa NPC ng annual awards para sa mga kasapi nito at maging sa mga di-kasaping media practitioner tulad ng photographer, editor, at iba pang obrero sa media na nagpakita ng husay at expertise sa kanilang trabaho, bukod ito sa mga awards at pagkilala na ibinibigay tuwing anibersaryo ng NPC.
7. Magtayo sa NPC ng isang Media Cooperative. Lumikha ng Food Assistance Fund na duon, maaaring makabili ng bigas at iba pang basic commodities sa murang halaga, lalo na sa panahon ng kalamidad at iba pang krisis.
8. Magtayo ang NPC ng Emergency Assistance Fund para sa mga kasapi na kailangan ang agad-agad na tulong sa panahon ng krisis at matinding personal na kalinga. Ang pondo mula rito ay maaring makuha mula sa tulong o ayudang pondo mula sa gobyerno na inilalaan ng Kongreso, at ito ay maaaring iisponsor ng mga kapatid sa media na miyembro ng partylist.
9. Programa na magbibigay ng health at insurance policy sa mga regular at lifetime members ng NPC.
10. Magtayo ng satellite offices ang NPC sa mga lalawigan at siyudad na pamamatnugutan ng isang opisyal ng samahan o ng hihiranging office manager nito sa patnubay ng Pangulo ng NPC para maipabatid ang mga problema at karaingan ng mga lokal na samahan ng media sa mga siyudad at lalawigan.
Ang mga mungkahing programang ito ay titiyakin ni Atty. Ferdie Topacio na maisusulong kung mabibigyan ng pagkakataong mabigyan siya ng tiwala ng mga kapwa kasapi sa NPC.
o0o
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe lang sa [email protected].