VALENZUELA CITY – NASAWI ang 53-anyos na vendor matapos atakehin ng sakit sa puso makaraang tupukin ang kanyang tindahan kahapon ng madaling araw.
Si Lorenzo Primavera ng 88 Virginio St., Coloong II ay isinugod sa Valenzuela General Hospital subalit, idineklara itong dead-on-arrival dahil sa cardiac arrest.
Ayon kay Valenzuela police chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, alas-3:38 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa loob ng Polo Public Market sa likod ng 3S Center Building sa 103 Sebastian St. Brgy. Polo.
Nasa 20 fire trucks ng Valenzuela Bureau of Fire Protection (BFP) ang rumesponde sa naturang lugar at pinagtulungan apulahin ang sunog na umabot sa unang alarma.
Inaalam pa ng mga arson investigators kung anu ang pinagmulan ng sunog kung saan apat na tindahan kabilang ang puwesto ng biktima ang tinupok ng apoy na idineklarang fire out alas-4:18 ng madaling araw. VICK TANES
Comments are closed.