VENDOR NG ILEGAL NA BARIL, PULIS MALABON HULI

Baril

PATONG-PATONG na kaso ngayon ang kinakaharap ng isang aktibong pulis Malabon matapos na maaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang test buy operation kaugnay sa ilegal na pagbebenta ng matataas na kalibre ng baril at bala sa Quezon City.

Ayon kay Director Dante A.Gierran, kinilala ang pulis na si PO2 Jhune Restie Elias na inaresto matapos makatanggap ng intelligence report ang ahensya na isang police officer ang umanoy sangkot sa ilegal na gun running activities sa bisinidad ng Camanava.

Kasama ng NBI at confidential informant na nagsilbing false buyer, Oktubre 4 nang makabili ng isang Armscor 45 caliber na nagkakahalaga ng P23,000 at mga bala na halagang P1,500 sa loob mismo ng Malabon City Police Station.

Nito namang Oktubre 11, dakong alas-11 ng gabi nagsagawa ng joint operation ang NBI-Mimaropa at NBI-NCR at ikinasa ang entrapment operation sa isang convenience store sa may Shell gas station sa EDSA Balintawak, Quezon City.

Nang matiyak ni Elias na kumpleto na ang mga baril at bala na inorder sa kanya sa halagang P295,000 dito na inabot ng poseur buyer ang marked money saka ibinigay ang hudyat sa iba pang operatiba ng ahensya at inaresto ang suspek.

Nakuha naman sa suspek ang apat (4) na handgun, 2 long firearm at mga bala.

Pahayag ni NBI Spokesperson at Deputy Director Ferdinand Lavin, aalamin pa ng ahensya kung ang nasabing mga armas ay mga loss firearm na posibleng magamit sa masamang aktibidad. Isasalang sa Inquest Proceedings sa City Prosecutors sa Lungsod ng Quezon si Elias sa kasong illegal sale of firearms and ammunitions. PAUL ROLDAN

Comments are closed.