VENDORS SA QUIAPO TULOY ANG KAYOD KAHIT MAY PRICE HIKE

gulay

SA kabila ng mataas na presyo ng gulay at iba pang uri ng pagkain lalo na ang karne ng baboy, hindi nawawalan ng pag-asa si Jomar, side walk vendor ng gulay sa R. Hidalgo, Quiapo, Maynila.

Nang makapanayam ng PILIPINO Mirror, tila blangko si Jomar sa ikinababahala ng marami na mahal ang gulay.

Aniya, wala namang sinasabi ang kinukunan niya ng panindang gulay bagaman may pagtaas ang nasa isip niya, mabibili at mauubos ang kaniyang tinda sa buong maghapon.

Pagkain aniya ang tinda niya at kailangan iyon ng tao.

Hindi na aniya bago sa kanila ang pag-iiba ng presyo at iyon ay normal na lamang.

Mentras nangangamba lalong magmamahal ang presyo kaya huwag na lang pansinin dahil may panahon namang bumababa rin. EC

Comments are closed.