VENDORS UMIIYAK SA ‘ZERO VENDOR’ SA TRASLACION

traslacion

LABIS  na panlulumo ang nararamdaman ng mga vendor  dahil sa pagpapatupad  ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng ‘zero vendor’ policy sa kasagsagan ng Traslacion 2020.

Ayon sa mga vendor, matagal na silang nagtitinda sa Quiapo at ngayon ang isa sa pagkakataon nila para kumita, subalit naglaho ang kanilang pag-asa dahil sa polisyang ito.

Ilan sa mga nagtitinda ay may mga sakit na at nagme-maintenance  na at ang pagtitinda lamang ang inaasahan nilang pagkakakitaan.

Sa “The Capital Report” ng alkalde sa Face­book, sinabi nito na ipagbabawal ang lahat ng vendor o anumang uri ng obstruction sa buong Quiapo at ang dadaanang ruta ng Tras­lacion.

Ipinaliwanag  ni Mayor Moreno na la­yon nitong matiyak ang kaligtasan ng milyon-milyong nakayapak na  deboto.

Taon-taon na lamang  aniya ay  napapaulat ang mga kaso ng pagkasugat sa kasagsagan ng Traslacion dahil sa mga kalat sa kalsada.

Dagdag pa ni Moreno na ito ay  pagbibigay galang din sa Poong Nazareno.

Humiling naman si Moreno ng pakikiisa sa mga taga-Maynila at mga dadalong deboto sa nasabing pista.

Comments are closed.