BINISITA ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino ang iba’t ibang lugar na pinagdarausan ng Balikatan 38-2023 Joint RP-US military exercise sa Northern Luzon kabilang ang additional sites para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.
Kabilang sa unang sinilip ni Centino ang Lal-lo Airfield sa Cagayan na isa sa mga staging area ng Balikatan Field Training Exercises (FTX) sa hilagang Luzon.
Pinuntahan din ng heneral ang Marine Battalion Landing Team-10 (MBLT 10) ng Philippine Marine Corps na nagsasanay kasama ang 3rd Littoral Logistics Battalion ng US Marine Corps sa Naval Base Camilo Osias, San Vicente, Sta Ana, Cagayan.
Binista rin ng AFP chief ang 5th Infantry Division (5ID), Philippine Army sa Gamu, Isabela, na nagsasanay kasama ang mga tropa ng 25th Infantry Division ng US Army.
Kasama ni Centino sa pagbisita sa ilang military camp at staging areas para sa joint PH-US war games ang pinuno ng Philippine Air Force Chief; LtGen. Stephen Parreño, at Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander LtGen. Fernyl Buca na miyembro din ng Hukbong Panghimpapawid.
Ang Naval Base Camilo Osias sa San Vicente, Sta. Ana, Cagayan, at 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela, ay kabilang sa karagdagang apat na l EDCA sites na inihayag ng gobyerno.
“It is important that we realize that if we work together with our friends and allies, we will be stronger. Therefore, make the most of these exercises,” ani CSAFP sa tropa mula sa Northern Luzon Command, samantalahin at matuto sa mga pagsasanay sa kanilang US counterparts.
VERLIN RUIZ