MELBOURNE – Hindi sumuko si Venus Williams matapos na magtamo ng injury kontra Italian Sara Errani at nilabanan ang sakit bago nasibak sa Australian Open second round nang malasap ang 6-1, 6-0 kabiguan kahapon.
Sinimulan ng 40-year-old American, isang seven-time Grand Slam winner at dalawang beses na naging finalist sa Melbourne Park, ang laban na nakabalot ng tape ang kaliwang tuhod at na-twist ang kanyang right ankle habang naghahabol sa 1-5 sa opening set.
Napahiyaw sa sakit si Williams bago paika-ikang nagtungo sa kanyang upuan para tumanggap ng medical attention.
Sa tinamong injury ay napipinto na ang pagreretiro American player.
Sa men’s play, nalusutan ni Novak Djokovic ang matikas na pakikihamok ni Frances Tiafoe upang maitakas ang 6-3 6-7(3) 7-6(2) 6-3 panalo at magmartsa sa third round.
Natalo si Djokovic sa first set bago dinispatsa ang American foe.
“I was fortunate to get through the third set today, it was anybody’s game,” pahayag ng defending champion matapos ang panalo sa Rod Laver Arena.
Comments are closed.