IKINAGALAK ng Malakanyang ang naitalang “very good” satisfaction rating ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Base sa second quarter survey ng Social Weather Stations mula sa positive 44 (good) noong Marso ay umangat sa positive 51 (very good) ang net satisfaction rating ng Cabinet members.
“The Office of the President attributes this to the hard work and dedication of the members of the President’s Cabinet, as well as to the support being rendered by their respective staff, in undertaking actions to fulfill the directives of the Chief Executive,” ayon sa statement ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Ayon kay Panelo, mahalaga ang survey na ito para sa Cabinet members ng administrasyong Duterte na aniya’y pagkilala ng sambayanan na kanila nang nadarama ang pagsusumikap ng gobyerno na mabigyan sila ng mabuting serbisyo at pagtugon sa pan-gangailangan ng mamamayan.
Sinabi pa ni Panelo na masarap ang pakiramdam at kagalakan sa kanilang puso dahil ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng very good rating ang Cabinet members sa kasaysayan.
Ang nasabing survey ayon pa kay Panelo ay sumasalamin ng kanilang dedikasyon na suportahan ang mandato ni Pangulong Duterte na magbigay ng serbisyo publiko.
Umaasa ang Palasyo na patuloy pang pagbubutihin ng Cabinet members ang maayos na paglilingkod sa bayan hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.
Ang naturang survey ay isinagawa ng SWS mula Hunyo 22-26. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.