VETERAN ACTRESS MAY DEMENTIA

Caridad Sanchez

DUMARANAS ng dementia ang magaling na aktres na si Caridad Sanchez  kaya hindi na ito aktibo sa showbiz.

Isinapubliko ng anak niyang si Cathy ang karamdaman ng 87 anyos na  ina noong nakaraang buwan   sa isang mahabang Facebook post.

Nagkuwento rin si Cathy tungkol sa kundisyon ng ina sa exclusive interview sa kanya ng ABS-CBN news reporter na si Mario Dumaual ga-bi ng Oktubre 2, 2020.

Late  2015 nang ma-diagnose na may dementia si Sanchez.

Nananatili naman itong malakas pero paulit-ulit ang mga sinasabi.

Huling regular project ng aktres sa  sa telebisyon ay ang GMA-7 drama series na One True Love  noong 2012.

Comments are closed.