NAGBIGAY ng babala ang magaling na beteranang Cebuana actress at dating beauty queen na si Pilar Pilapil na mag-ingat ang publiko sa taong nagpapanggap at ginagamit ang pangalan niya para makapanloko ng kapwa.
Nagbigay siya ng babala sa isang user name na Ralip P. Lipalip na umano’y unauthorized na ginamit ang kanyang picture para makapanggantso sa kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan.
Dagdag pa niya, iwasan din daw na makipag-transact dito dahil isa lang daw poser niya ito sa social media.
Ang Cebuanang actress ang may-ari ng Pilar Pilapil Productions and Performing Arts Agency na layuning linangin ang mga talentadong kabataan sa sining ng pelikula at performing arts at matupad ang kanilang mga pangarap na maging artista.
Huling napanood si Pilar sa defunct Kapamilya teleseryeng “The Blood Sisters”.
NEWBIE ACTOR ENRICO CUENCA HATAW ANG CAREER
HUMAHATAW ang career ng newbie actor na si Enrico Cuenca na kasama sa cast ng “Recipe for Love.”
Si Cuenca ay nakilala sa viral Valentine’s Day commercial na “Crush” ng isang popular fast food chain kung saan marami ang nabighani sa kanyang karisma kung saan nakasama nito ang Kapuso actress na si Ash Ortega.
Nakalabas na rin siya sa ilang GMA7 shows tulad ng “Super Ma’am” kung saan nakasama niya ang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera at sa ilang episodes ng “Wagas” at Daig Kayo ng Lola Ko”.
Si Enrico ay nasa pamamahala ng GMA Artist Center.
TALENT MANAGER BINITIWAN NA SI MERCEDES CABRAL
WALA na sa poder ng talent manager na si Shandii Bacolod ang indie actress na si Mercedes Cabral.
Pero, nilinaw naman ni Shandii na walang bad vibes sa kanila ni Mercedes kaya sila maghihiwalay.
Hindi rin daw totoo na naging sakit ng ulo niya ang aktres kaya napilitan siyang bitawan ito.
Hirit pa niya, titigil na raw siya sa pagma-manage ng talents dahil may iba siyang priorities.
“It’s not really sakit ng ulo kasi ang nangyari, hindi talaga ako nagma-manage. Filmmaker ako, director ako dati. Tapos may lalapit na ganyan, na tulungan mo naman ako, hanggang sa “O, siya, ima-manage kita pero sabi ko one year lang ito”. Kasi lahat ng talents ko, walang contract sa akin. Nagsimula lang siya sa tulong, kasi ang gusto ko lang talaga hanggang one year lang. Hindi ko namalayan, naging five years na, tapos heto, eight years na pala akong nagma-manage. So, sabi ko sa kanila, may opportunities that I have to turn down because of the management at may pangarap din naman ako sa sarili ko just like to study abroad, to pursue my passion. I’m going back to school, isa iyon. Right now, after Cinema One, I have 5 films na naka-line up na pelikula, so hindi ko na siya kaya,” pahayag niya.
Si Mercedes na dating talent ni Shandii ay nakikipag-usap na sa Viva na posibleng mag-handle ng kanyang career.
Comments are closed.