DENNIS FETALINO
SUMAKABI LANG-BUHAY na si veteran newsman at dating National Press Club director Dennis Fetalino noong Huwebes (June 1) sa edad na 62.
Si Fetalino ay associate editor ng People’s Journal at regular na nagsusulat ng column.
Si Fetalino ay isang journalist magmula pa sa kanyang student days sa University of the East, kung saan nagsilbi siyang editor ng Dawn, na hanggang mid-1980s ay ang pinakamalaking student newspaper sa bansa.
Naging reporter siya ng Malaya sa kasagsagan ng mga protesta laban sa martial law na humantong sa 1986 People Power Revolution.
Matapos ang People Power Revolution, naging bahagi siya ng ilang newly founded newspapers, kabilang ang Herald Tribune, Philippine Star at Business Star bago napabilang sa Journal Group of Publications kung saan naging associate editor siya ng People’s Journal.
Nahalal siyang director ng National Press Club sa siyam na termino at kabilang sa founders ng Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP).
Naulila ni Fetalino ang kanyang maybahay na si Juliet, mga anak na sina Mario Jordan at Regine, mga kapatid na sina Mario at Jena, mga pamangkin at iba pang kaanak.
Ang kanyang labi ay nakaburol sa Chapel 10, Heritage Park sa Taguig. Nakatakda ang libing sa June 5.