ANIM na beterano, kasama sina US-trained AJ Lim at Filipino-German Katrina Lehnert, ang isasabak ng Filipins sa tennis sa nalalapit na Asian Games sa Indonesia.
Ayon kay PHILTA president, Atty. Antonio Cablitas, kasama sa koponan na sasagupa sa mga bigating kalaban sa Asia sina Jason Patrombon, Francis Casey Alcantara, Marian Capadocia at 2017 SEA Games silver medalist Ana Clarisse Patrimonio, anak ni cage legend Alvin Patrimonio.
Sina Lim, Alcantara at Patrombon ay beterano ng Asian-Oceania Davis Cup Tennis at Southeast Asian Games, habang si Capadocia ay nagsanay sa Netherlands at gold medalist sa SEA Games at maraming beses na nanalo sa Philippine Open.
Sa unang pagkakataon ay hindi kasama sa lineup sina Fil-Ams Ruben Gonzales at Conrad Treat Huey at homegrown talents ang magdadala sa bandila ng Pinas maliban kay half-Pinay Lehnert.
Sa gabay ni coach Cris Cuarto, makikipagsabayan ang mga Pinoy sa mga kalaban, determinadong sungkitin ang pinakaaasam-asam na gintong medalya at duplikahin ang napanalunan ni Johnny Jose sa Asian Games na ginanap din sa Indonesia noong 1962.
“The road ahead is tough like trekking the summit. We’ll fight to the finish because our ultimate goal is to win. Nothing more, nothing less,” sabi ni Cuarto.
Bilang moral support ay sasamahan ni Cablitas ang kanyang mga manlalaro sa Palembang kung saan gagawin ang tennis, kasama ang bowling, shooting, triathlon at water sports.
“Our players have sufficient training and preparation. They played overseas sharpening their skills and broadening their experience. Hopefully, they would survive tremendous challenge and emerge victorious,” sabi pa ni Cablitas. CLYDE MARIANO
Comments are closed.