VETO POWER VS BUDGET INSERTION

Senador Panfilo Lacson

MAAARING mahadlangan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng paggamit sa kanyang veto power ang pinagtatalunan ng mga kongresista at ilang senador sa pork barrel.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, makapangyarihan ang pag-veto ng Pangulo upang matanggal ang personal amendments sa pambansang badyet na isinisi­ngit ng kapwa niya mga mambabatas.

“Mr. President, you have displayed your strong political will on several occasions. This time, use your line-item veto power over the 2019 appropriations measure by removing all the ‘pork’ inserted by lawmakers who are incorrigibly insatiable and simply ‘beyond redemption,” anang senador.

Nabatid na sa ilalim ng 1987 Constitution, puwedeng i-veto o ipa­walang- bisa ng Pangulo ang isang partikular na bahagi ng pambansang badyet na hindi naaayon sa proseso ang pagkakalaan.

Batay sa naging talakayan ng mga kinatawan ng Senado at Kamara sa bicameral conference ng pambansang badyet, hindi akma ang individual amendments sa naturang gastusin dahil maraming alituntunin ang nilagpasan nito.

Kabilang sa mga pork barrel na sumingaw mula sa pilit na inihahabol na pambansang gastusin ngayong taon ay ang P160 milyon bawat kongresista.

Kasama rito ang P70 milyon para sa ‘hard’ project tulad ng kalsada at flood control at P30 mil­yon para sa ‘soft’ project tulad ng textbook at scho­larship.  VICKY CERVALES

Comments are closed.