ITINANGGI ng Palasyo ng Malakanyang na nagsasagawa ng vetoing spree si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, limang panukalang batas lamang ang hindi inaprubahan ng Pangulo.
Ang mga ito ay ang pagtatatag ng Bulacan Airport City Special Ecozone, ang pagbibigay ng tax exemption sa election workers, Office of the Government Corporation Counsel Charter, Davao Light and Power Company Inc. franchise at Philippine Transportation Safety Board Act.
Sinabi ni Angeles na 41 na batas ang nag-lapse into law kaya hindi aniya puwedeng sabihin na ‘veto spree’ ito.
Samantala, ilan lamang sa 41 na enrolled bills na nag-lapse into law ay ang anti-online sexual abuse or exploitation of children, separate facility for heinous crimes act, penalizing willful and indiscriminate discharge of firearms, increasing the social pension of indigent senior citizens, permanent validity of the certificates of live birth, death and marriage act; Vape Act at iba pa.