NAKATANGGAP ng Very High Frequency (VHF) base radios ang Philippine Coast Guard (PCG) mula sa Australian government para sa pagpapalakas ng Strategic Partnership ng dalawang bansa.
Ang nasabing kagamitan ang magpapahusay ng strategic capabilities ng PCG-Palawan upang maging mahusay ang monitor sa maritime incidents, maka-response sa emergencies, at koordinasyon sa maritime operations, bilang suporta ng Australia sa modernization ng PCG.
Sinabi ni Australian Ambassador to the Philippines, Her Excellency Ambassador HK Yu PSM FCPA (Aust) na mayroon silang malalim na respeto at paghanga para sa crucial work ng PCG.
“Australia has the utmost respect and admiration for the crucial work of the PCG and the dedication of its officers. Earlier this year, my officials had discussions with PCG Palawan personnel to hear firsthand the issues they are facing, and what further support Australia could provide to assist their work,” ayon sa ambassador.
Ikinagalak din ni Ambassador Yu ang delivery ng radio na magpapaganda ng komunikayon ng PCG vessel, station at substations.
Ang handover ceremony ay isinagawa sa PCG Headquarters sa Manila at tinanggap ito ni PCG Commandant Admiral Ronnie G. Gavan at Commodore Dennis Rem C. Labay, PCG Palawan’s district commander.
Kumatawan naman sa Australian Government si Secretary of Australia’s Department of Foreign Affairs and Trade, Ms Jan Adams AO PSM, at Ambassador Yu.
Ang donasyong equipment ay bahagi ng Australia’s P328 million civil maritime cooperation sa Pilipinas na kasama ng vessel remediation, aerial drones, postgraduate scholarships, operational training, at annual Law of the Sea courses.
EVELYN QUIROZ