VIC DEL ROSARIO NANINIWALA PA RIN SA PHIL CINEMA

VIC DEL ROSARIO

KUNG last year ay nakapag-produce ng 19 films ang Viva Films, sa kanilang Viva showbiz eyeFilms 2020 Vision thanksgiving dinner, ipinahayag ni Boss Vic del Rosario with son Vincent and daughter Veronique na pangako nilang gagawa sila ng 34 films with an investment of 1 billion pesos. Naroon pa rin ang confidence ng Viva Films in Philippine Cinema.  Lalo pa nga at ang kanilang “Miracle in Cell No. 7” ang naging block-buster movie sa katatapos na 45th Metro Manila Film Festival last Christmas season.

Ilang movies na kahintay-hintay mapanood ay ang “Sunny” na magtatampok kina Sharon Cuneta at Regine Velasquez, “Joaquin”Bordado” ni Ding-dong Dantes,” movie na pagsasamahan naman ng child star na si Xia Vigor at Janno Gibbs.  Napansin namin na si Bela Padilla at maraming upcoming movies na gagawin, isa rito ang “100 Tula kay Stella 2” na una nilang pinagtambalan ni JC Santos.

ANDRE PARAS INAMING MALAKI ANG UTANG NA LOOB SA JADINE   

MARAMING Viva artist na dumalo at isa na nakausap namin ay si Andre Paras.  Natanong namin si Andre tungkol sa relasyon ngayon nina James Reid at Nadine Lustre.

“I’m sad sa nangyayari sa kanilang relasyon, hindi ko sila nakakausap kaya I don’t want to comment on the issue,” sabi ni Andre.  “Malaki po ang utang na loob ko sa kanila.  Dahil kung hindi sa kanila, nang maisama kami ni Yassi (Pressman) sa movie nilang “Diary ng Pa­ngit,” hindi po kami makikilala.  I just hope na maayos ang lahat sa kanilang dalawa at ang problema rin ni Nadine sa Viva Artist Agency.”

Tungkol sa pagkamatay ni Kobe Bryant sa helicopter crash.

“It hurts me nang malaman ko ang nangyari.  Big influence po sa akin si Kobe, hindi po lamang sa basketball, sa lahat ng sports.  Lahat umiiyak sa nangyari sa kanya.  My younger brother, si Kobe, ipinangalan after him ng Mom ko nang ipanganak siya in 1997.  Nanghinayang lamang ako dahil hindi ko pa siya na-meet personally.”

Nilinaw rin ni Andre na wala silang problema ng Mom niya tulad nang nasusulat.  Kung hindi raw nakikita sa kanilang Instagram ang pictures nilang magkasama, desisyon nila iyon. Umiiwas daw lamang sila sa mga bashings.  But their Mom is staying na here for good.

Kahit busy si Andre sa mga projects niya sa GMA Network, naka-graduate na rin siya sa AMA Online Education ng Bachelor on English Studies.  Hindi rin niya pinababayaan ang pagla­laro ng basketball at member siya ng D’League team ng AMA.

Bukod sa gagawing movies ni Andre sa Viva Films, ang pinag­hahandaan niya ay ang nalalapit na airing ng kanilang Philippine adaptation ng Korean drama na “Descendants of the Sun.”

“I’ll play the role of Dr. Ralph sa series at nasa medical team ako, kasama ko sina Jennylyn Mercado, Renz Fernandez, Chariz Solomon, Nicole Donesa and others.  Excited na kaming lahat sa airing namin sa February 10, matagal naming pinaghandaan at nag-medical training po kami para sa  seryeng ito.”

RITKEN MAY FINALE NA

GRAND finale na this Friday, January 31, 2020 ng romantic-comedy series na “One of the Baes” ng RitKen love team nina Rita Daniela at Ken Chan.  From GMA News and Public Affairs, kasama rin nila sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Jestoni Alarcon, Melanie Marques at Roderick Paulate.  Mapapanood ang last episode tonight after ng “The Gift” ni Alden Richards.

Comments are closed.