VIC MANUEL ‘DI BIBITIWAN NG ALASKA

on the spot- pilipino mirror

NADAGDAGAN ang inspirasiyon ni Vic Manuel ng Alaska Aces sa pagdating ng  2nd baby nila ng kanyang wife na si ­Analyn. Girl ulit ang anak ni ‘Muscle Man’, na iniluwal noong Feb 10. Happy kami sa mag-asawa na nalusutan ang mga pagsubok sa kanilang pagiging mag-asawa. At least, together again ang dalawa. Sa 2020 PBA, lalong naging inspired si Manuel, lalo na’t kasama siya ulit sa Gilas Pilipinas. Congrats! At sa kumakalat na balita na iti-trade siya sa ibang team, kinumpirma ni Alaska head coach Jeffrey Cariaso na hindi nila bibitiwan si Manuel.



Tiwala si Arwind Santos na kahit wala si June Mar Fajardo sa kanilang team ay malakas pa rin sila at ayon sa tubong Pampanga ay makakapasok sila sa semifinals. Hindi sila nawawalan ng pag-asa na malakas pa rin naman ang Beermen. Kung ano ang wala ay pupunan umano nilang mga player ng SMB. Si June Mar ay nagtamo ng injury sa practice nila. Buong conference ng Philippine Cup ay hindi makapaglalaro ang Cebuanong player. Ang bawat laro ng SMB ay iaalay umano ng mga player kay Fajardo, Kaya inspired silang lumaro para sa kanya.



Dahil sa angking husay ni Jarvey Gayoso ng Ateneo ay kinuha siya sa kampo ng Azkal Development Team ( ADT). Makikita siyang kasama sa action ng grupo sa 2020 Philippine Football League season bilang guest team. Si Gayoso ay former UAAP MVP. Siguradong itong si Jarvey ang papalit kay Phil Younghusband  na posibleng maging matinee idol sa football. Sa paglalaro pa lang nga sa UAAP ay marami nang followers si Gayoso, how much more na makita siya sa mga international football tournament. Sa mga hindi nakaaalam, si Jarvey ay anak ng sikat na ex-Ginbra PBA player na si Jayvee Gayoso.



Pagkatapos ng seven months na pamamahinga ay balik-aksiyon  itong si Kay Tolentino para tulungan ang Ateneo Blue Eagles sa 82nd season ng volleyball tournament.

“I see the team is full of really talented and skillful players and having all the rookies and the seniors come back from last year just shows that we have a lot of depth in the team,” ani Tolentino.

Pati si Joahna Maraguinot ay balik-aksiyon na pagkatapos na hindi nakapaglaro noong season 81. Nakapaglaro siya noong season 77 hanggang season 80, pagkatapos nito ay huminto siya sa paglalaro. Mukhang kumpleto rekados ang line up ni coach Oliver Almadro para maging balanced ang team.

Comments are closed.