VIC SOTTO PERFECT DAD KAY TALI

Ngayong may panahon na si Vic Sotto, sinisi­guro nitong lagi siyang nasa school activities ng anak na si Tali Sotto — bagay na hindi niya nagawa kina Danica, Oyo Boy at Vico Sotto.

Ayon kay Pauleen Luna, ngayong Grade 1 na si Tali at busy si Pauleen sa maraming bagay, very thankful daw talaga siyang andiyan si Bossing Vic para maging bahagi sa halos lahat na mga ginagawa ni Tali. In fact, dumalo nga raw ito sa Father and Daughter Day sa school ni Tali noong Nobyembre 15. Sumali pa raw si Bossing Vic sa surprise dance number ng mga tatay. Kahit nga raw si Tali, nagulat.

Tina-try daw nitong maging present siya sa mga school activity ni Tali, kahit may daily show itong Eat Bulaga!  kahit mag-absent pa siya.

“Nakakatuwa talaga na he’s trying his best na maging present for Tali. Super daddy’s girl din kasi si Tali,” ani Pauleen.

Priority raw ngayon ni Vic ang mga activities at events ni Tali kaysa trabaho. Naalala raw kasi niya na sa ilang interviews sinabi ni Mayor Vico Sotto na na-appreciate niya ang presence ng kanyang ama sa activities nito sa school. Na kahit maliit lang ang role niya sa isang stage play sa school, pinapanood siya ng daddy niya.

Ngayon nga, nagbibigay raw si Vic ng extra effort para sa anak nila ni Pauleen.