VICE GANDA AT PAPA NA SI ION PEREZ HIWALAY DAHIL SA ECQ

MAGKAHIWALAY ang magkarelasyon na sina Vice Ganda at Ion Perez. Hindi kasama ni Vice si Ion sa bahay niya simula ng community reflectionquarantine.

Inabutan daw ng lockdown sa buong Luzon si Ion na nasa  Tarlac that time, kaya hindi na raw nagawang lumuwas nang Maynila ni Ion.

Bukod kay Ion, inabutan din ng lockdown, pero sa US,  ang anak ni Gretchen Barretto at Tony ‘Boy’ Cojuangco na si Dominique.

“Been on lockdown for  ten days now—-working at home and drinking lots of vitamins,” bungad ni Dominique sa caption ng ipi-nost niyang picture on her Instagram account.

Kasalukuyang  nasa San Francisco Bay Area, California si Dominique. At sa kanyang caption  ay pinaalalahanan niya ang mga tao na maging maingat.

“This type of self-care is not available everyone. I’ve been rationing  my food as much as possible; but this is some people’s reality everyday. I hope that  everyone’s taking the same precautions when it comes to not being wasteful, and not hoarding. As.much as we can, let’s be grateful for what we have.”

Ipinagdarasal daw niya ang mga nasa ospital pati na ang mga nalulungkot at kailangan ng kalinga.

Nakatapos si Dominique ng kanyang second degree on Merchandising and Marketing sa Fashion Institute of Design and Mer-chandising sa California, USA bilang magna cum laude.

 

KATHNIEL HIWALAY RIN DAHIL COMMUNITY QUARANTINE

  DINAGSA ng pagbati ang BoxOffice Queen na si Kathryn Bernardo  ng followers niya sa kanyang Instagram account. Dalawang klase ang pagbating-mensahe ang binigay ng followers ni Kathryn sa kanya.

Una, para sa kanyang ika-24 taon na kaarawan. At yung  isa naman ay para sa pagsisimula ng pagtatayo ng dream house ng family niya.

Ipinost  ni Kathtyn ang piktyur niya sa gitna ng malawak na lote ng itatayong bahay nila habang may ibang tao na nag-aayos ng lupa na kasama niya sa larawan

At eto ang caption sa ibaba ng piktyur na ipinost niya, “Dreams do come true. Welcoming my birthday this year with one of the greatest gifts I could possibly ask for: my family’s  dream house. It was a special day for all of us as the construction of our future home officially began, and I want to share this moment with all of you.”

Isa sa mga unang nag-post ng comment sa post ni Kathryn ay si Lovely Abella na nakasama niya  sa “Hello, Love, Goodbye” movie nila ni Alden Richards.

“Super deserve  my Ga!! (with two clapping hands, heart-face and praying hands emoji) Congrats! Love you so mats!!”

Medyo sad lang siguro si Kath ngayong birthday niya. Kasi, baka hindi niya makasama ang boyfriend niyang si Daniel Padilla  on her birthday this year dahil sa enhance community quarantine.

But knowing Daniel, this man is full of surprises. Malay natin may maisip na paraan si Daniel para sorpresahin at makasama, in flesh, si Kathryn on her birthday.

Comments are closed.