VICE GANDA AYAW IPAHAMAK ANG PILIPINAS SA PAGPASOK SA PULITIKA

Walang kaplano-plano si Vice Ganda na tumakbo ng kahit anong posisyon sa pulitika at sa totoo lang, tumanggi siya sa alok na kumandidato sa susunod na eleksyon.

Ayon sa comedian, hindi para sa kanya ang pulitika – sa ngayon.

“Politics — sa ngayon ha? Syempre I cannot say never, pero hindi talaga sa ngayon,” ani Vice Ganda said.

Dagdag pa niya, “Pwede akong manalo, feeling ko pwede akong manalo kasi marami akong followers, marami akong fans — baka maraming bumoto sa ‘kin, maraming natutuwa sa akin. Pero ako, sa sarili ko, ngayon, hindi ako magaling doon, so bakit pa? Ano, ipapahamak ko ang Pilipinas? Not because you can win, you will run.”

Ito rin ang katwiran ng namayapang King of Comedy na si Dolphy nang may kumumbinsi sa kanyang tumakbong senador na kanya ring tinanggihan. Hindi kaya si Ka Pidol ang idol ni Vice? – KAYE NEBRE  MARTIN