VICE GANDA BILIB KAY CHEL DIOKNO

PARA kay top celebrity endorser Vice Ganda, si Chel Diok­no ay karapat-dapat na mabigyan ng buzzdaypagkakataon sa Senado.

“Matalino, maga­ling at MATINO si CHEL DIOKNO.  Iboboto ko siya para sa lahat ng Madlang People na naghahangad ng bansang may hustisya,” pahayag ni Vice sa kanyang mensahe sa Twitter.

“Sana maisama n’yo rin siya sa iboboto niyong 12,” sambit ng Showtime host.

Sa kasalukuyan, ilang celebrities at grupo ng kabataan ang nag-eendorso  kay Diokno, na palagiang nasa Top 12 sa mga isinasagawang mock election sa mga unibersidad sa bansa.

Ilan sa mga nagtutulak sa kandidatura ni Diokno sina Kris Aquino, Vilma Santos-Recto, Dingdong Dantes, Enchong Dee, Bianca Gonzalez, Jaime Fabregas, Janine Gutierrez, Pepe Herrera, Chito Miranda, Ebe Dancel, Bullet Dumas, and Johnoy Danao of 3D, Bayang Barrios, Noel Cabangon, Cookie Chua, Medwin Marfil of True Faith, Bituin Esca­lante, at Buddy Zabala.

SINGER NA GABE MERCADO NANINIWALA SA AKBAYAN

SAMANTALA, Tag­lay  ng Akbayan ang hinahanap ng singer at aktor na si Gabe GABE MERCADOMercado sa isang party list group.

Sa isang post, sinabi ni Mercado na nakita niya sa Akbayan Party List ang tapang, prinsipyo at pani­nindigan kaya ito ang ibi­noboto niya sa nakalipas na tatlong halalan.

Ayon kay Mercado, ang prinsipyo at ipinaglalaban ng Akbayan ay katulad ng kanyang mga paniniwala.

Hanga rin si Mercado sa ipinakikitang tapang at paninindigan ng Akbayan para ipaglaban ang kapakanan ng mga Filipino, kahit sino pa ang Pangulo ng bansa.

Nagpasalamat naman si Akbayan Party List second nominee Atty. Gio Tingson sa suporta ni Mercado, sa pagsasabing malaki itong tulong lalo pa’t isa ito sa iginagalang na pangalan sa mundo ng showbiz.

Mahigit dalawampung taon nang naghahain ang Akbayan Partylist ng aksiyon at solusyon para sa pa­milyang Filipino.

Tinitiyak ng Akbayan na may sapat na pagkain ang lahat, may disenteng trabaho at sapat na kita at palaging ligtas at malusog ang mga pamilyang Filipino.