MALI sa palagay ni Vice Ganda na kukunsintihin siya ng nakararaming Pinoy nang batikusin niya o almahan ang naging pahayag ni Senate President Tito Sotto na ang lalaki, “will never be a woman.”
Maging gay man siya, bisexual o transgender, he will always be a man and categorized as such. ‘Yan ang katotohanan na dapat niyang tanggapin as long sa he lives. Bakit hindi kayang tanggapin ng isang Vice Ganda ang katotohanan?
Ilan lang ‘yan sa mga sumang-ayon sa naging pahayag ni Senate President Tito Sotto.
Kahit na ano pa raw paliwanag ni Vice at pagtatanggol sa katulad niyang gay ay dapat nitong tanggapin na silang nasa 3rd sex ay kahit bali-baliktarin mo ang mundo ay lalaki pa rin ang isang bakla, pusong babae nga pero lalaki pa rin ang kasarian.
Hindi katuwiran ‘yung babae na hindi mabuntis at ayaw magpabuntis o magkaanak. Sa isang gay na kahit anong gawin ay hindi puwedeng manganak o mag-ilusyon na may matris ka na tulad ng isang tunay na babae.
Hindi puwedeng katuwiran na ‘yung isang babae na hindi magkaanak ay dahilan para bigyang katuwiran ang hinaing ng isang bakla o transgender.
Astang babae ka nga pero lalaki ka pa rin sa ayaw o gusto mo. Dapat tanggapin ang katotohanan na hindi puwede kayong magkaanak na tulad ng isang tunay na babae.
Natural at naiintindihan ng mga Pinoy na ipagtanggol ni Vice ang kapwa niyang gay o mga transgender dahil isa siyang bakla.
Pero again, dapat din niyang tanggapin ang katotohanan na ang lalaki ay hindi puwedeng maging babae.
KYLIE PADILLA NAG-UKAY-UKAY BUSINESS HABANG BUNTIS
HABANG hinihintay ni Kylie Padilla ang kanyang kabuwanan sa panganganak ay naka-focus muna siya sa ukay-ukay business sa social media.
Ibinebenta na niya ang kanyang mga “used” na kagamitan na siya mismo ang nag-aasikaso para sa delivery ng mga ito.
“I knew it would be difficult to start something like this but I am enjoying the process. Even Alas (anak nila ni Aljur Abrenica) and I find time to bond while I wrap and prepare orders. I`m discovering a different side of myself and am looking forward to future projects like this one,” say ni Kylie sa mga ukay-ukay na kanyang ibinebenta na mga damit, sapatos, shades at iba pa.
Kapag sinabi na ukay-ukay ay natural na mura ang mga presyo na kayang bilhin ng kanyang followers.
Tila namana ni Kylie sa kanyang ama ang pagiging marunong sa buhay na walang mahirap gawin kapag gusto mong mabuhay ng marangal.
Samantala, sayang at si Kylie sana ang target ng GMA 7 na maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun pero naudlot nga dahil nabuntis ito sa second baby nila ni Aljur.
BOY 2 QUIZON DUMATING DIN ANG HINIHINTAY NA MAKAPAGDIREK NG PELIKULA
MATAGAL-TAGAL din ang hinintay ni Boy 2 Quizon bago narating ang matagal na hinintay na makapagdirek ng isang pelikula.
Nagsimula sa showbiz si Boy2 bilang child actor at dahil may dugong artista dahil isa sa mga naging apo ng Comedy King na si Dolphy ay na-nominate siya sa isang movie kanyang ginawa.
Hindi naman ikinaila ni Boy 2 na malaki ang naitulong ng pagiging apo ng Comedy King kaya hindi siya nahirapan pasukin ang showbiz.
Hindi makapaniwala si Boy 2 na ten years na siyang nagpapasaya at nagbibigay kasiyahan sa Bubble Gang na napapanood every Friday sa GMA 7.
Sa Friday, bukod sa BG barkada sa pangunguna nina Michael V, Sef Cadayona, Antonio Aguitania, Paolo Contis, sexy actress na sina Kim Domingo, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Jackie Rice, Arny Rose, Deniece Barbacena, Diego, Betong Sumaya atbp ay may special celebrity guest sila na mapapasabak sa iba`t ibang gag segment ng longest running gag show sa telebisyon.