VICE GANDA DISAPPOINTED SA NATANGGAP NA AWARD

Looks like hindi natuwa si Vice Ganda sa natanggap na Special Jury Prize sa nakaraang 50th MMFF Gabi ng Para­ngal.

Sa kanyang acceptance speech, pabiro man niya itong sinabi, parang ininsulto pa niya ang 13-member juror sa kanyang hirit.

Winner ang Green Bones (Best Picture), The Kingdom (2nd Best Picture), My Future You (3rd Best Picture), at Isang Himala (4th Best Picture).

May pinakamara­ming nominasyon ang The Kingdom with 15, followed by Espantaho with 14, Topakk with 13, and Green Bones with 12.

Anim ang nominations ng The Breadwinner Is…, liban pa sa Special Jury Citation, at Gender Sensi­tivity Award na walang ibang nominees.

Pero tingin namin, deserving ang mga na­nalo like Dennis Trillo ng Green Bones sa Best Actor at Judy Ann Santos sa Espantaho.

Hindi namin napanood si Ruru Madrid ng Green Bones na nanalong Best Supporting Actor, at Kakki Teodoro ng Isang Himala na Best Supporting Actress, pero may mananalo talagang first timer like Christopher de Leon at Bembol Rocco.

Ma­ra­ming naghihimutok dahil nabalewala raw ang ng Uninvited ni Vilma Santos, pero bakit? May karapatan din ang iba. E Kasi nga naman, isa lang ang award ng Uninvited, Best Float—may katabla pa, ang Topakk.

Going back to Vice, takang-taka ang Nag-iisang Unkabogable Superstar kung para saan ang Special Jury Prize. Pero kahit disappointed, hindi siya nag-walk out. Nagpainterbyu pa bago umuwi.

At saka top-grosser ng MMFF 2024 ang And The Breadwinner Is…

Best Actor nga si Dennis Trillo, mas malaki naman ang kinita ng movie niya.

May ilang umalma sa linyahan niyang “My God! Hahabaan ko na to kasi baka itong award na ito, ibig sabihin hindi ako magbe-Best Actor.

“Baka ito yung award sa mga first runner-up. Yung baka sayang naman yung outfit at saka sikat naman siya, paakyatin na natin siya for star value of the moment.”

Pero sabi ng ilang malapit kay Vice Ganda, ganun na talaga siya. Kung ano ang naramdaman niya at nasa isip niya ay talagang sinasabi niya.