MAHAHALATANG may pinagdadaanan sa usaping puso si Vice Ganda sa kanyang mga programa sa Kapamilya network. Kahit nagpapatawa si Vice, banaag naman sa kanyang mga mata na may lungkot siyang ikinukubli sa madlang pipol.
Unlike before, ang ngiti ni Vice sa labi tagos hanggang sa mga mata niya. Hawa ang lahat ng tao sa studio ng It’s Showtime nu’ng ang saya-saya niya at binabandera ang ‘closeness’ nila ng PBA cager na si Calvin Abueva. May pa-adobong luto pa si Calvin para sa mga kasamahan ni Vice sa Showtime.
Laging may pa-sunshine na tanong pa si Vice sa madlang pipol noon. But lately, wala na siyang tanong sa madalang pipol ng sunshine na para bang iniiwasan talagang mabanggit sa show. Na-miss tuloy namin ang tinig ni Moira na kinakanta ang “You are my Sunshine” na theme song ng movie nina Bela Padilla at Carlo Aquino titled “Meet me in St. Gullen.”
Kaya sa tanong sa final round ng Miss Q&A segment, nagandahan si Vice sa tanong at mukhang naka-relate siya. Ang tanong kasi sa dalawang kandidata ay kung ano ang mahirap sagutin para sa isang pusong nasasaktan, ang bakit o ang paano?
Hurting pa rin kaya si Meme Vice sa naudlot na pagkakaibigan nila ni Calvin?
Akala namin mauuwi sa kasalan ang relasyon nina Vice at Calvin gaya ng ibang male couples, e. May nakarating kasi sa aming balita na nagbabalak magpakasal ang dalawa nu’ng kainitan ng kanilang relasyon sa publiko.
Anyare?
RICCI RIVERO MAGALING ANG NAGDADALA NG CAREER
TAMA ang ginawa ng baguhang artista at basketball player na si Ricci Rivero sa paghingi ng paumanhin sa kampo ni Liza Soberano. Iba talaga kapag may mga bagong artista na gumagabay sa kanila sa showbiz.
For sure, pinayuhan ng mabuti si Ricci ng mga taong nagmamahal sa kanyang career kabilang na si Dondon Monteverde at Erik Matti ng mga boss niya sa Reality Entertainment film production.
Mukhang mabait at may breeding ang impression namin kay Ricci nu’ng una namin siyang ma-meet sa office ni Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez. Nakatakda silang mag-promote ni Danzel Fernandez, anak ni Mayor Dan, ng movie nila na “Otlum” sa Sta. Rosa that time. Kaya pati si Danzel ipinakilala sa amin ni Mayor Dan.
Galing ng De La Salle University si Ricci taking up Sports Management. But something happened kaya nag-transfer siya sa University of the Philippines, Diliman at kumuha ng kursong Tourism.
Inaabangan na ng kanyang fans si Ricci sa kanyang unang sabak sa game ng UP Maroons para sa susunod na UAAP. Mataas ang expectation ng UP fans sa pagpasok ni Ricci sa UP Maroons along with Kobe Paras.
When we asked him kung sino ang gusto niyang maging leading lady or ka-loveteam, wala pa siyang maibigay na pangalan. Pero umamin na-man si Ricci kung sino ang kanyang celebrity crush.
“Ah, si Claudia (Barretto), but she does not want to enter movies po ata, eh,” lahad ni Ricci.
And speaking of Mayor Dan, muli siyang tatakbo bilang Congressman ng Sta. Rosa sa susunod na eleksiyon. Last term na raw kasi niya bilang Mayor kaya magsu-switch na sila ng incumbent Congressman ng Sta. Rosa na si Arlene Arcillas.
Gaya ng ibang parent, nais rin ni Mayor Dan na mai-produce ng pelikula ang kanyang anak na si Danzel someday. At tulad ng kanyang ama, gusto rin niyang pasukin ang politika after college.
In fairness, habang kausap namin si Danzel maganda ang kanyang speaking voice at may laman ang mga sinasabi. Puwedeng-puwedeng maging politician si Danzel, huh?
Comments are closed.