NANG bago pa magsimula ang Metro Manila Film Festival, very vocal na si Vice Ganda sa pagsasabing, balak daw niyang pantayan, kundi man lagpasan, ang 800 million na achievement ng KathNiel. But so far, hayan at more than a week na ang festival pero 300 million palang ang kanyang gross income.
Pa’no na ‘yan? ‘Di tatanggapin na niyang kabog siya ng tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Na ito lang ang kaya niya at hindi niya kayang kabogin ang achievement ng KathNiel mereseng may mga bali-balitang may free popcorn pa raw ang mga sinehang pinalalabasan ng kanyang pelikula at paiba-iba ang presyo sa probinsya.
May 130 at merong 250.
Ano yan? Hahahahaha!
Nevertheless, mukhang kakabugin pa ang Fantastica niya ng Police Credibles nina Coco Martin, Maine Mendoza at Bossing Vic Sotto.
Hayan kasi at sa mga probinsya raw ay puro Police Credibles ang pinanonood at pinipilahan dahil bukod sa nakaaaliw ay quality movie pa ito at hindi slapstick na siyang brand of comedy ni Vice Ganda.
Mukhang nauubusan na rin ng pagpapatawa si Vice lalo na’t nakailang film festival na siyang ganung formula ang ginagamit.
Well, let’s wait and see sa pagtatapos ng festival. Would Vice be able to hold on to his throne or would Coco and his friends be able to oust him?
Let’s wait and see. Mukhang exciting ang magiging labanan.
‘Yun nah!
‘RAINBOW’S SUNSET’ PINALALABAS NA SA MARAMING SINEHAN
HINDI maganda ang reception sa box-office ng pelikulang Rainbow’s Sunset sa first three days ng festival.
50 ang sinehan nito on it’s opening day, that was tapered down to 31 theaters last December 26. Ultimately, nabawasang muli at naging 19 cinemas na lang noong December 27.
Ang sabi, wala raw gaanong nagkainteres na panoorin ang isang pelikulang tumatalakay sa intricate relationships ng mga senior citizen na nina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa.
On the 3rd evening of the December filmfest, the movie won an impressive 11 awards.
In his acceptance speech, nanawagan si Direk Joel Lamangan for the public to please patronize their movie. Masakit raw na harap-harapan kung tanggalan ng sinehan ang kanilang pelikula.
“Pero may isang panalangin at pakiusap,” he added. “Sana, sa mga susunod na panahon, kung ano ang napag-usapang numero ng mga sinehan na pagpapalabasan ay respetuhin din.”
The speech was warmly accepted and one of the actors who gave it a standing ovation was Jericho Rosales.
“Huwag nating ipagkait sa mga manonood ang kanilang karapatang makapanood ng pelikula,” Direk Joel went on. “Huwag lang nating isipin ang komersyo. Ang pelikula ay isang sining. At ang sining ay kaluluwa ng tao. Kaluluwa ng bayan.
“Huwag lamang nating patabain ang bulsa nang lahat ng may-ari ng sinehan.
“Patabain natin ang kaluluwa ng ating bayan…”
Anyway, last December 29, 66 cinemas na ang napunta sa Rainbow’s Sunset. Dumami rin ang mga manonood and in some screening, the audience gave it a standing ovation.
Suffice to say, patuloy ang pagsikat ng araw para sa pelikula na may original working title na Dapithapon ng Bahaghari.
Nu’ng new year, 84 na ang napuntang mga sinehan sa Rainbow’s Sunset.
As of presstime, January 2, it has already 95 cinemas to its credit.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.