VICE GANDA NAKORYENTE NANG ITANGGING MAHAL SI CALVIN ABUEVA

vice ganda

UMAGAW  ng a­tensiyon si Vice Ganda sa naga­nap na do or die game ng PBA teams na Meralco at hotshotsPhoenix last Friday sa Araneta Coliseum. Nandoon si Vice ‘di lang para manood ng laban kundi para suportahan ang laban ng kaibigan na si Calvin Abueva na player ng Phoe-nix.

Nang malaman at makita ni Calvin na nasa loob ng Araneta si Vice ay kaagad na pinuntahan ang TV host para pasalamatan sa pamamagitan ng pagbeso na siya namang ikinatuwa at sigawan ng audience.

Kapag nakaka-shoot si Calvin ay todo palakpak si Vice na kasama rin ang co-host niya sa It`s Showtime na sina Karylle at Ryan Bang.

Walang pakialam si Vice kahit lagyan pa ng malisya ang pagkakaibigan nila ng sikat na PBA player. Walang puwede raw makatinag sa pagkakaibigan nila ni Calvin.

Samantala, sa Gandang Gabi Vice ay nagkaroon ng tanungan portion ang guest ni Vice na sina Maja Salvador at Zanjo Marudo.      Magtatanong si Vice sa dalawa ng personal at sasagutin nila ng walang halong kasinu­ngalingan dahil oras na magsinungaling sila ay makokor­yente ang kanilang ka-may na nakahawak sa isang mala-bolang crystal.

Tuwang-tuwa si Vice dahil marami siyang nabuko kina Maja at Zanjoe. Pero nang mag-suggest naman ang dalawang guest na sila naman ang mag-tatanong kay Vice ay nagpaunlak ang TV host.

Tanong kay Vice ay kung mahal ba niya si Calvin Abueva? Sagot ng sikat na TV host/comedian ay hindi raw.

Pagkatapos sabihin ni Vice na hindi raw niya mahal si Calvin ay nakoryente ang palad nito na nakahawak sa mala-bolang crystal. Meaning, nagsinungaling ang sikat na TV host.

Tawanan at halakhakan ang nangyari sa TV show ni Vice Ganda.

MS WORLD PHILS KATARINA RODRIGUEZ 

SA PAGBUBULGAR NG HARASSMENT SA PAGEANT 

KATARINA RODRIGUEZNAGBIGAY ng kanyang comment si Katarina Rodriquez ang Miss World Philippines 2018 tungkol sa nangyaring harassment ng mga sponsor sa mga kandidata ng beauty pageant.

Usap-usapan kasi ang ginawang pagbubulgar ng ilang Miss Earth 2018 candidates na kung saan nakaranas daw sila ng pangha-harass ng isang male sponsor ng pageant. Ilan sa mga candidate na nagreklamo ay sina Miss Canada, Miss Guam at Miss England.

Ipinost pa ni Miss Guam ang larawan ng naturang harasser na kanya rin pinangalanan na si Amado S. Cruz na lagi raw nasa event nila at panay raw akbay sa mga kandidata. At ‘yung iba naman raw ay kinukulit nito na makipag-date sa harasser.

Ayon pa kay Katarina, mabuti raw may nagsalita na sa mga harassment na nararanasan ng ilang kandidata dahil may iba raw kasi na tumatahimik na lang dahil natatakot.

“Believing  what they`re  saying is true—it`s crazy… it`s  a scary thing to go through. I would not wanna go through that.

“So my best advice is to be smart about it. Be smart on how you want to tackle the situation to regain justice or whatever your end goal is. Just be smart,” pagdidiin ni Miss Katarina.

Ginawa pang halimbawa ni Miss Katarina ang kanyang kaibigan na si Fil-Italian model/beauty queen na si Ambra Battilana Gutierrez. Nakaranas din kasi si Miss Ambra ng pangha-harass mula sa disgraced Hollywood film producer and studio executive na si Harvey Weinston noong 2015.

 

CONEY REYES NAGPASALAMAT SA DINNER,

MAMI-MISS ANG CAST NG VICTOR MAGTANGGOL

NAGKAROON ng thanksgiving dinner ang cast, creative staff ng Victor Magtanggol kasama rin ang kanilang director na si direk Dominic Zapata dahil sa nalalapit na pagtatapos ng fantaser­yeng  coney reyespinagbidahan ni Alden Richards.

Ginawa ang dinner sa 17th floor ng GMA 7 at makikita sa mga photo na dinaluhan ng halos lahat ng cast ng naturang fantaserye series. Ang tila wala lang dahil wala sa larawan ay sina Eric Quizon, Al Tantay at Freddie Webb.

Ang caption at hashtag nga ni Miss Coney Reyes sa pinost na larawan ay “#VictorMag­tanggol Thanksgiving Dinner #Blessed #Godisgoodallthetime Romans 8:28

“All things work together for the good of those who love God who are called according to His purpose.”

Sure na mami-miss ng bawat isa ang pagtatapos ng Victor Magtanggol dahil naging close na sila sa isa`t isa, naging pamilya na sila at mas lalong naging close dahil sama-sama silang kumakain at nag-uusap kapag breaktime.

Comments are closed.