SA cast party ng “Eerie” ay natanong namin si Macoy kung ano ang reaction niya sa napabalitang once a week na lang ang appearance ng kagrupo niya na Hashtags sa “It’s Showtime.”
Sumabat ang babaeng kasama si Macoy na ewan kung PA, RM o handler niya na management daw ang dapat sumagot ng tanong namin na sinang-ayunan naman ni Macoy.
“Opo, ang management po ang nakakaalam, e. Pero ‘yung sa amin naman, makikita naman po ‘yung mga nangyari. Kumbaga, pinapaganda ang Showtime. Bagong Showtime naman po siguro,” sagot ni Macoy.
Pero bago pa sabihin sa amin ‘yun nu’ng girlash na kasama ni Macoy, natanong na namin ang EP (executive producer) ng “It’s Show time na si Peter Dizon.
“For Hashtags and Girltrends, they are still everyday on Showtime. Sila ang hosts sa Showtime online. For their production number talagang pinaghahandaan ngayon,” paliwanag ni Peter.
Nagsimulang kumalat ang isyu sa “pagdalang” ng appearance on TV ng Hashtags after ng grand finals nu’ng nakaraang Miss Q and A na segment sa ‘Showtime.’
Diumano, nagalit si Vice Ganda dahil ‘di available ang ilang Hashtag members para sa big production for the opening ng show na ginanap sa Araneta Coliseum particularly ang member na si Kid. Isa si Kid sa mainstay ng ‘Showtime’ na naging contestant sa Miss Q and A.
Ayon sa aming source, tinalakan daw ni Vice ang lahat ng Hashtags pati na ang kanilang respective handlers and managers. From then on, nag-decide diumano ang management na once a week na lang sila aapir sa noontime show. Dami na raw kasing ga-nap masyado ang Hashtags kaya ‘di na napa-prioritize ang ‘Showtime.’
That’s true sa mga sikat na members ng grupo na kundi busy sa teleserye, pelikula, dami namang out-of-town shows and spe-cial appearances. Kaya parang ‘di rin naman daw affected ang ilang members ng grupo na busy sa kanilang career.
But what about daw ‘yung ibang Hashtag members na wala namang masyadong ganap sa career at sa ‘Showtime’ lang naka-kakuha kahit papano ng everyday exposure?
DIREK MIKHAIL RED GUMAWA NG MATINONG HORROR FILM
STAR-STUDDED ang premiere night ng pelikulang “Eeerie” nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio. Todo support ang Ka-pamilya young stars sa pangunguna ng top loveteam ng ABS-CBN na sina Enrique Gil at Liza Soberano.
From his two award-winning films “Birdshot” and “Neo-Manila,” naging instant fan kami ni Direk Mikhail Red. Bluntly, sinabi namin kay Ma’m Charo and kay Bea na si Direk Mik talaga ang rason kaya umattend kami ng premiere night ng “Eerie.”
In fairness, ‘di naman kami binigo ni Direk Mik after watching “Eerie.” Flawless ang execution ng mga eksena. Two thumbs-up kami para sa napakahusay na technical aspect ng pelikula lalo na ang cinematography and scoring na talagang nagpa-eerie sa feeling namin habang pinapanood ang movie niya.
Isa sa mga paborito namin part sa movie ‘yung ‘posporo scene.’ Grabe ang sigawan ng mga manonood sa loob ng sinehan and as I remember, first time kami nakapanood ng ganu’ng eksena in a horror film.
Hopefully, suportahan ng local viewers ang “Eerie” dahil bihira na talaga ang ganito “katino” na local horror film.