SA caption ni Vice Ganda sa kanyang Instagram story na kasama niya si Marian Rivera ay talagang nakapagsalita ito ng:
“Naknampotek! Napakaganda ni Marian! Mukha talagang artista. Nagmukha tuloy akong puchu-puchu!”
Nangyari ang pagkikita nina Vice at Marian sa last shooting day ng entry movie ni Vice sa Metro Manila Film Festival kung saan kasama rin sa cast si Dingdong Dantes.
Nabulgar tuloy na si Marian ang isa sa special guest sa movie nina Vice at Dingdong na makikita sa huling bahagi ng movie.
“Hiiii! Bagets! Thank you!” say pa ni Vice Ganda.
“Hahahaha! Welcome!” ang naging sagot naman ni Marian.
“Pahiram mo na sa akin si Dong. Last shooting day na. Uuwi na siya mamaya,” say pa ni Vice
Sunod-sunod na tweet din ni Vice tungkol sa naging pagkikita nila ni Marian.
“Oh, em! Marian Rivera joined us on our last shooting day of Fantastica. Honggondoooooo!!! Mukhang teen star. Nagpa-picture ako talaga!” say ni Vice.
“Nung titigan ko ‘yung mukha ni Marian napaisip talaga ako kung paano ako naging artista! Hindi ako naka-recover agad. Powtek ang ganda eh. #faney!” say pa ni Vice.
Anyway, wala naman siguro magiging problema sa paglabas ni Marian sa movie ni Vice Ganda. Kasama naman sa cast ng movie ang mister niyang si Dingdong.
ASIA’S SONGBIRD EMOSYUNAL SA LAST DAY NG SHOW
UMIYAK si Regine Velasquez-Alcasid sa farewell episode ng kanyang TV show na Sarap Diva matapos maging host ng more than six years.
Pinasalamatan ng Asias` Songbird ang mga top executive, lady bosses ng entertainment group at staff and crew ng programa.
“I have stayed here for two decades, maraming maraming salamat po sa tiwalang ibinigay niyo sa akin and for taking good care of me.
“And thank you for being lenient with me at times nu’ng time na kailangan ko mamahinga kasi buntis ako. Hindi nagdalawang-isip. Talagang hinayaan ninyo lang ako magpahinga,” bahagi ng mensahe ni Regine.
This time ay hinayaan o hindi hinabol ng GMA si Regine. Sa inilabas na official statement ng Kapuso Network ay pawang ma-bubuting salita naman ang inilabas nila sa naging desisyon ng Songbird na mag-over da bakod.
Tuloy pa rin ang cooking show ni Regine at ang papalit sa kanya ay sina Carmina Villaroel kasama ang kambal nila ni Zoren Legaspi na sina Mavy at Cassy.
ANDREA TORRES MULING PUMIRMA NG KONTRATA SA GMA ARTIST CENTER
MASAYA si Andrea Torres nang muli siyang pumirma ng management contract muli sa GMA Artist Center.
Nagpasalamat siya sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya para gampanan ang iba`t ibang roles na ibinigay sa kanya ng GMA .
“I`m very happy. Masasabi ko nang na-try ko na mag-fantasy. Dati rin akala ko hindi bagay sa akin ang action pero nae-enjoy ko siya ngayon,” pahayag ni Andrea.
Nangako rin si Andrea na oras na matapos ang role niya sa Victor Magtanggol ay babalik agad siya sa Bubble Gang. Kahit anong mangyari ay hindi niya puwedeng iwanan ang longest-running gag show sa telebisyon.
“Kahit anong mangyari, babalik ako para magtaping sa Bubble Gang. Isang pamilya na ang samahan namin sa BG,” say pa ni Andrea na lalong sumeksi at gumanda.
Comments are closed.