VICE MAYOR AT DRIVER TINAMBANGAN; KONSEHAL NIRATRAT DIN

Chief-Supt-Edward-Carranza

CAVITE – PATAY ang bise alkalde ng Trece Martires  at ang kaniyang driver nang pagbabarilin sa Barangay Luciano  sa nasabing bayan habang sa hiwalay na insidente ay napaslang din ang isang konsehal sa Zamboanga kahapon ng umaga.

Sa sketchy report mula kay PRO4A Calabarzon PNP Director, Chief Supt. Edward Carranza, alas-3:15 ng hapon nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sina Vice Mayor Alexander Lubigan at driver nito na si Romulo Guillemer.

Lumilitaw na binawian ng buhay sa loob mismo ng kanyang sasakyan si Lubigan bunsod ng tinamong tama ng bala nito sa kanyang ulo at katawan habang dead on arrival sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital si Guillemer.

Lulan sa kanyang sasakyan na kulay itim na Toyota Hi-Lux  ang dalawa nang pagbabarilin ng mga salarin na lulan din ng isang sasak­yan sa tapat ng Korean Hospital.

Nagsitakas ang mga suspek patungo sa hindi pa mabatid na direksiyon lulan sa naturang sasakyan.

Politika ang nakikita ni Carranza bilang motibo sa pagpaslang lalo na’t hindi kasama sa narco-list anga bise alkalde,

KONSEHAL NA DADALO SA FEEDING PROGRAM ITINUMBA RIN

Pinagbabaril din kahapon ng alas-7:30 ng umaga si Councilor Michael Magallanes sa Brgy. Santa Catalina, Zamboanga City.

Ayon kay Chief Insp. Shelamae Tubo-Chang, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, binaril si Magallanes malapit sa mismong bahay nito sa Betty 2 Store.

Aniya, patungo sana ang 38-anyos na konsehal sa barangay feeding program nang gawin ang krimen.

Naitakbo pa aniya ang biktima sa ospital ngunit idineklara nang dead on arrival.

Ayon naman kay City Councilor Jimmy Villaflor, nakapagtataka ang pagpatay sa kaibigang konsehal dahil malinis aniya ito at walang anumang masamang record.  DICK GARAY/VERLIN RUIZ

Comments are closed.