VICE MAYOR, POLICE ESCORT AT 1 PA NADALE SA AMBUSH

pamamaril

ZAMBOANGA DEL NORTE – PANIBAGONG pagpaslang sa opisyal ng pamahalaan ang naitala at ang pinakahuli ang pagkasawi ng bise alkalde ng bayan ng Balinguian sa Brgy. Sta. Maria, Siocon.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa ipamamaril kay Vice Mayor Gani Esmali na lulan pa ng sports utility van dakong alas-11:30 ng umaga kahapon.

Batay sa ulat mula sa Camp. Col Romeo Abendan, Zamboanga City, patungo sa bayan ng Siocon si Esmali nang sundan ng hindi pa alam na bilang ng mga salarin na umano’y lulan ng motorsiklo.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril si Esmali ng  mga salarin at nang matiyak na tagumpay na napatay ang biktima ay nagsitakas papuntang bayan ng Gutalac.

Bukod naman sa bise-alkalde, patay rin sa pananambang ang kanyang escort na si Police Corporal Godelito Bongcac at isa pang sibilyan.

Sinubukan pa itong dalhin sa ospital ngunit idineklara ring dead-on-arrival. REA SARMIENTO

One thought on “VICE MAYOR, POLICE ESCORT AT 1 PA NADALE SA AMBUSH”

Comments are closed.