VICTOR NERI NACHA-CHALLENGE SA KANYANG TRABAHO BILANG BOMB DETONATOR

ENJOY si Victor Neri sa kanyang bagong trabaho kahit pa sabihing medyo delikado ito.the point

Miyembro na kasi siya ng Explosive Ordinance Division (EOD) na in-charge sa pagde-detonate ng mga bomba.

Bagamat peligroso ang kanyang trabaho, challenging daw naman ito para sa kanya.

“Iyong trabaho rin namin ay on call, so wala siyang pinipiling oras lalo na kung may operation,” dugtong niya.

Wala na raw siyang balak mag-iba ng trabaho dahil pakiramdam niya ay ito ang kanyang calling.

“Ever since naman noong bata pa ako, pinaka-advocacy ko na iyong national security and peace and order. Ever since naman, tumutulong na ako sa law enforcement. Sumasama ako sa raids. Ito nga lang, ginawa ko nang legal iyong trabaho ko. Kumbaga, ito iyong  public service na pinili ko,” esplika niya.

Kaya naman, sobrang nakare-relate si Victor sa kanyang role sa “A Short History of a Few Bad Things” ni Keith Deligero na naging kalahok sa 2018 Cinemaone Originals.

“I play a police officer. Ang setting niya ay sa Visayas. Good thing that I can speak and understand Visayan language kasi iyong family ko came from Cagayan de Oro. It’s a suspense thriller, a murder-mystery rolled into one,” pagbabahagi niya.

Wala rin daw siyang history ng pagiging bad boy dahil sa tunay na buhay ay simpleng tao lang siya.

“Good boy naman ako. Siguro, bad boy lang ang naging image ko noon sa mga pelikula. Pero sa totoong buhay naman, hindi ako ganoon,” pagwawakas niya.

BRILLANTE MENDOZA  MAGIGING PRESIDENT NG JURY SA TOKYO INT’L FILMFEST

BRILLANTE MENDOZAIBANG level na talaga ang maituturing na national pride na si Direk Brillante Mendoza.

Tokyo-bound kasi ang award-winning at internationally acclaimed director sa Oktubre 25 dahil siya ang napiling presidente ng jury ng 2018 Tokyo International Film Festival.

For the record, si Brillante ang kauna-unahang Pinoy na nanalo ng best director award sa Cannes at  nagpanalo kay Jaclyn Jose bilang best actress at  first Asian na nanalo sa nasabing prestihiyosong international filmfest para sa pelikulang Ma Rosa.

Katunayan, naging paborito siya ng Cannes dahil naimbitahan din siyang maging jury rito.

Bukod  pa riyan, bibigyan siya ng tribute sa Cairo filmfest kung magbibigay din ng Master Class ang master director.

Isa na namang kara­ngalan ang iniuwi ng prem­yadong director dahil nagwagi ang kanyang pelikulang “Alpha, The Right to Kill” ng Special Jury Prize sa San Sebastian International Film Festival sa Donostia, Spain.

Ipinu-push niya na magkaroon ng international distribution ang nasabing obra na pinagbibidahan ni Al-len Dizon at tumatalakay sa giyera ng gobyerno kontra droga.

Comments are closed.