VIETNAM BUBUKSAN ANG VENUES SA SPECTATORS

Ramon Fernandez

HANOI— Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez na papayagan na ang spectators na mag-cheer para sa mga atleta sa competition venues ng 31st Southeast Asian Games.

Si Fernandez, ang chef de mission ng bansa sa Games, ay dumalo sa unang chef de mission meeting sa Hyatt Regency West Hanoi dito kasama ang iba pang CDMs.

“The host country will open the venues to fans and spectators as long as they strictly follow health and safety protocols,” ani Fernandez, na dumalo sa meeting kasama si Liza Ner ng PSC International Games Secretariat.

Maliban sa football, sinabi ni Fernandez na libre ang entrance sa lahat ng competition venues ng 39 sports mula sa opening ceremonies ng Games sa Huwebes hanggang sa closing rites sa May 23.

“Tickets will only be sold during football matches where a large volume of spectators are expected,” ani Fernandez.

Ang paglahok ng bansa sa 11-nation multi-sports meet ay pinondohan ng PSC, ang government arm sa sports, para suportahan ang title-retention bid ng 980-strong delegation, kabilang ang 641 athletes mula sa 38 sports.