Naitala na rin sa Vietnam ang unang kaso ng bagong variant ng coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa health ministry ng Vietnam, isang 44 na babaeng dayuhan na mula sa Britain ang nagpositibo sa bagong strain ng COVID-19.
Ang naturang dayuhan ay nabatid na dumating sa Vietnam noon pang Disyembre 24.
Matatandaang naitala na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo ang bagong variant ng COVID-19 na sinasabing nasa 40% hanggang 70% mas mabilis na makapanghawa.
Comments are closed.