KUNG sina Carlo Biado, Dennis Orcollo, Rubilyn Amit at Chezka Centeno ang pambato ng Pinas sa 9-Ball at 10-Ball, sina Alvin Barbero at Jeffrey Roda naman ang best bet ng snooker sa 2021 Southeast Asian Games na gagawin sa Vietnam.
Kumpiyansa si coach Rodolfo ‘Boy’ Luat na mananalo ang dalawa at duduplikahin ang ginawa nila sa Singapore upang pasayahin ang kanilang mga kababayan.
“Sina Barbero at Roda ang best natin sa snooker sa Vietnam. May tiwala ako sa kanilang kakayahan para muling mag-uwi ng karangalan sa bansa,” sabi ni Luat sa panayam ng PILIPINO Mirror.
Tinalo nina Barbero, tubong Baguio, at Roda, ipinanganak sa Surigao at kababayan ni dating World 9-Ball champion Dennis Orcollo, ang mga kalaban mula sa ibang mga bansa, kasama ang host Singapore sa 2015 SEA Games.
“I expect Barbero and Roda will shine in snooker in Vietnam. They two are talented and battle tested,” sabi ni Billiards and Snooker Association of the Philippines secretary general Robert Mananquil.
Bukod kina Barbero, Roda, Biado, Orcollo, Amit at Centeno, sasabak din sa Vietnam SEAG sina Jeffrey Ignacio, Johan Chua, Michael Angelo Mengorio, Benjamin Guevarra Jr., Luis Saberdo, Filipino-Kuwaiti Basil Al-Shajar, Irish Ranola at Floriza Andal.
“We’re fielding the same athletes that competed in the last SEA Games in Manila,” wika ni Luat. CLYDE MARIANO
Comments are closed.