PINATAOB ng Vietnam ang South Korea, 25-13, 25-13, 25-16, para tapusin ang kanilang Pool A campaign na may two-match winning streak sa AVC Cup for Women nitong Miyerkoles sa Philsports Arena.
Sumandal ang Vietnamese kay Nguyen Thi Uyen na umiskor ng 13 points, kabilang ang 2 blocks.
Naitala pa rin ng Vietnam ang kanilang ikatlong panalo sa apat na laro kahit wala si captain Tran Thi Thanh Thuy, na hindi muna pinaglaro upang manatiling sariwa para sa quarterfinals.
Nanatili ang five-time winners China sa ibabaw ng Pool A na may perfect 3-0 record.
Kumana si Ly Thi Luyen ng 4 blocks para sa 10-point outing, habang nag-ambag sVI Thi Nhu Quynh ng 9 points para sa Vietnam.
Walang panalo sa tatlong laro, ang Koreans ay may huling pagkakataon para makakuha ng puwesto sa quarterfinals.
Makakaharap ng South Korea, na nagpaparada ng high school students sa continental tournament, ang Pilipinas sa huling araw ng preliminaries sa Huwebes, alas-7 ng gabi.
Umaasa ang young Koreans na mabigyan ang hosts ng magandang laban sa kanilang pagtatangka na makasambot ng quarters berth.
“We seen them play and they played well against the other team (China on Tuesday night). So our goal for tomorrow is to at least to win against the Philippine team,” sabi ni South Korea captain Hwang Jimin sa pamamagitan ng isang interpreter.
“We have to focus on their wing players,” dagdag pa niya, patungkol kina Tots Carlos, Michele Gumabao at Jema Galanza.
Nanguna si Choi Hosun para sa Koreans na may points, habang nagdagdag si Kim Seyul, ipinasok sa second at third set, ng 7 kills.