VIETNAMESE CREW IPATATAWAG

Secretary Delfin Lorenzana

PINAG-AARALAN ngayon ng pamahalaan na ipatawag din ang Vietnamese crew ng fishing vessel na sumagip sa 22 mga Filipinong mangingisda na nagpalutang-lutang sa dagat matapos banggain ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank ang kanilang bangkang pangisda

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagdalo nito sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy sa Sangley Point sa Cavite ay inihayag nito na ang kanilang napagkasunduan matapos ang ipinatawag na Economic Development and Security, Justice, and Peace cluster meeting sa Malacañang.

Tumanggi nang magbigay ng anumang pahayag ang kalihim hinggil sa Recto Bank incident dahil napagpasyahan umano sa ginanap na cluster  meeting na italaga si Malacañang spokesman Atty. Salvador Panelo para magsalita hinggil dito.

Nais ng Filipinas na marinig  ang testimonya ng Vietnamese crew bilang bahagi ng imbestigasyon sa Recto Bank incident.

Subalit maaring hindi rin umano makatulong ang Vietnamese sa paglilinaw sa aktuwal na insidente dahil halos nasa 4 nautical miles ang layo nila sa FB Gimver 1 nang nangyari ang insidente.

Sinasabing sa pamamagitan ng maliit na bangka ay pinilit ng mga mangingisda na makalapit sa  barko ng mga Vietnamese at makahingi ng tulong. VERLIN RUIZ

Comments are closed.