MATAGUMPAY at mapayapang napaalis ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Vietnamese fishing vessel nang mamataan sa karagatan ng Pilipinas kasabay ng mas pinalakas na presensya at pagpapatrolya sa West Philippine Sea partikular sa Kalayaan Island group.
Sa report ng PCG, agad nagpadala ng radio challenge sa Vietnamese fishing vessel at inatasan lisanin ang loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Agad din inilabas ng coast guard ang kanilang mga rigid hull inflatable hauls para inspeksyunin ang naturang sasakyang pandagat.
Matapos nito ay mapayapa rin umalis ang fishing vessel kasama ang BRP Teresa Magbanua.
PAUL ROLDAN