VIGAN MANSIONS (pamana ng lahi(

MISYON ng Vigan na mapangalagaan ang pamana ng ating lahi, at maghatid ng serbisyo upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan.

Ipinagmamalaki ng Vigan ang mga tahanang ginawa pa noong panahon ng mga Kastila. Dati, bago dumating ang mga Kastila, ang mga bahay sa Vigan ay gawa lamang sa light-weight materials tulad ng kawayan, pawid at cogon grass, ngunit natural lamang na hindi ito matibay sa bagyo at madali pang masunog.

Sikat ang Vigan sa mga well-preserved Spanish Colonial town, historical Vigan tourist spots, at masasarap na pagkain. Dahil sa ganda ng mga bahay na ito, naulat itong isa sa mga UNESCO World Heritage Sites. Dinarayo ng lahat ang Quema House, ancestral home ng Quema family na itinayo noon pang 1820s. Isa itong historic landmark sa Vigan.

Kinilala ng mundo ang Vigan at iniluklok bilang isa sa New 7 wonders cities of the world ng kanilang founder na si President Bernard Weber.

Bukod sa Quena House, isa sa best-preserved heritage sites sa Vigan ang Calle Crisologo dahil sa kakaiba nitong atmosphere, na para bang ibinabalik tayo sa panahon ng Kastila. Ang mga heritage houses na ito ay ginawa daang taon na ang nakalilipas, kung saan ipinakikita ang impluwensya ng arkitekturang Espanyol noong unang panahon.

Hindi lamang ang Vigan ang may ganitong magagandang castillian mansion. Meron din sa Taal, Batangas. Halos pareho ang kanilang mga hitsura, ngunit sa Crisologo St. sa Vigan, mas higit nilang napanatili ang authenticity ng Spanish architecture. Ito ang pamana ng Vigan sa ating lahi.  By: KAYE NEBRE MARTIN

2 thoughts on “VIGAN MANSIONS (pamana ng lahi(”

  1. 986559 218575yourselfm as burning with excitement along accumulative concentrating. alter ego was rather apocalyptic by the mated ethical self went up to. Its punk up to closed ego dispirited. All respecting those topics are movables her need to discover no finish touching unpronounced. Thanks so much! 109640

Comments are closed.